


First.. never mind how I look in the pics..
and second.. I'm not trying to be EMO.. I guess the proper term would be sentimental..
Mula ng magturo ako, madami na ring estudyante ang nakasalamuha ko, may mabait, merong hindi.. may mayabang, may humble, may maingay, tahimik, matalino, merong di gaano, merong masipag, at meron ding tamad,payat, mataba, maitim, maputi, singkit, malaki mata, may sungki, may braces,may mabango, meron ding matindi ang amoy, matangkad, maliit, maaga pumasok, laging late, iyakin, sumbungero, basagulero, adik, loner, happy go lucky,Japanese, Korean, Nigerian, American, Swiss at kung anu-ano pa..
sa totoo lang.. di ko na tanda lahat ng pangalan nila.. maaring makilala ko pa sa mukha.. pero mas kadalasan hindi na nga..
Sabi nila madali tandaan ang estudyante.. usually yung mga extremes ang madaling mareccall.. like yung laging perfect sa quiz at exam, o di kaya yung laging itlog ang pasalubong sa magulang.. yung sagot ng sagot na kahit minsan e wla namang saysay.. or di kaya yung isang estudyante na kahit minsan di mo maringan ng salita..
Hindi matatanggi na yung iba napadaan lang.. na parang walang epekto masyado.. pero sadyang merong iba na di mo basta makakalimutan. Yung mga nagleave sayo ng mark and memories.. saglit man o matagal ang pagsasama.. kapag merong impact sa buhay mo di na pwedeng kalimutan yung mga taong yun.. or in this case.. yung mga estudyanteng yun.
I cannot enumerate them.. but they are those whose picture appear on the left. I appreciate them so much. They've contributed to my growth as a teacher.. as a person..
Kalimitan ang guro ang nagtuturo pero maaring di nyo alam, sa panahong nakasama ko kayo, may mga bagay din kayong naituro sa kin.
Ang iba di ko na masyado nakikita.. pero dahil sa impact nila sa kin.. just a thought of them makes me smile.. yung tipong kahit matagal na talagang di nagkita.. parang walang nawalang oras.. kapag nagkita ulit parang kahapon lang yung isang taon o yung dalawang taon..
marami pa sigurong darating.. marami rin ang mawawala.. pero kailanman di na KAYO MAPAPALITAN.
I THANK GOD FOR ALL OF YOU!
YOU ARE NOT JUST MY STUDENTS...
MORE IMPORTANTLY..
YOU ARE ALSO MY FRIENDS.. :)))